Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

I confessed, "I'm an addict".

Simula nung magFA ako or maybe simula ng mag-aral ako, nawalan na ako ng tulog.
Kasalanan siguro ito ng mga magulang ko na dapat nasa top ka, dapat ikaw ung magaling at dapat ikaw yung nasa taas. Well, hindi ko Rin nmn sila masisi. Natutuwa din nmn ako sa tuwing naaabot ko yung gusto ko may bonus pang attention. Hahaha. Tama, nag-eenjoy ako sa mga atensyong nakukuha ko sa tuwing mganda ang nagiging resulta ng mga ginagawa ko. Dont get me wrong, nakkatuwa lng isipin na may nakakaappreciate nang ginagawa mo. Ang mahirap nga lang eh naaadik k na sa mga atensyong nakukuha mo na hahanaphanapin mo yun at darating sa punto na kapag bumagsak ka talagang lagapak hanggang sa ikukumpara mo yung sarili mo sa iba.


Hay, nakakaadik. Syempre, para mapigilan mo ang sarili mo sa labis na paglagapak e kailangan mong abutin yung mga bagay na kinaaadikan mo. 


Simula nang maaadik ako mga atensyong nakukuha ko tuwing pinupuri ako sa mga mgandang nagawa ko ay  naging OC or perfectionist na ako. Gusto ko ganyan! Gusto ko ganito!Gusto ko perpekto at wlang mali. At bawat papuri na nakukuha ko ay may kalakip na paghihirap. Nkakapagod. Palaging walang tulog. Palaging patay. Ang hirap! pero mas gusto kong nhihirapan sa bawat ginagawa ko dahil sabi nga nila kung wlang hirap, walang sarap. Tama namn dba? kailangan magsunog ng kilay para maabot ang gusto mo. Ito yung gusto ko sa sarili ko, napakaambisyosa. Na kahit bumagsak man nasa taas pa din.

Sa mga taong lumipas natutunan kong gamutin ang sarili.
may mga bagay na naiisip kong hindi nmn dapat kong gawin para makaiwas sa paglagapak nang hindi pinahihirapan ang sarili.

Kung hanggang duon lng ang kaya mo, wag nang pilitin. Bka lumala pa. Tama na, ginawa mo na ang lahat ng makakaya ko. Darating ang punto nakailangan mo nang huminto, bka hindi para sa iyo ang bagay na yun. Better luck next time!

Hindi ko na ikinukumpara ang sarili ko sa iba, sabi ko nga "pakielam ko sa knila, ang mahalaga yung akin! kaya dapat kong galingan"
Selfish ba pakinggan? pero dhil sa ganyang pag-iisip nagamot ko yung sakit kong pagkukumapara nang sarili sa iba at pagbaba ng sarili ko.


Yeah, right! I'M AN ADDICT! It's 12:29 am and I'm still writing my blog.

Martes, Oktubre 4, 2011

I know I will have to return to the world of the sun

Wala ako sa mood ngayong araw. Naiinis ako kapag mababa yung plate ko.
Lalo na kung alam kong hindi nmn dapat kasi pinaghirapan ko yun.
Sabi nila, hindi nmn daw tlga mababa. Siguro nga hindi, pero sa akin oo.
Lalo na kung yung ini-expect mo e yung pinakamataas.
Ambisyosang bata!.
Tinatamad akong lumabas.Tinatamad akong gawin ang lahat ng bagay na dapat kong gawin.

Ang mababang plate na yun ang nagpaikot ng mundo ko ngayong araw hangga't ewan ko.
Gusto ko ng ksama ngayong araw upang magpakasaya at tanggalin itong depression na ito pero wala.
Alam ko sa sarili kong pinanganak akong mag-isa, mag-isa din dapat ako dito.
Mag-isa akong makakaramdam ng ksiyahan at kalungkutan.
Mag-isa sa lahat.Emong Bata!

Naghahanap ako ng butas para tanggapin ang lahat,
pero sadyang hindi siya pinapakinggan ng utak ko.
Utak ko ang nadidikta nito.
Sira ulong bata na ako ngayon.! Akalain mo yun.

Minsan iniisip ko na hindi ako magaling.
Hindi nmn siguro tlga, lahat ng rejection na alam ko sa sarili ko nagawa ko.
Kung maganda bkit ganun lng?
Naghahanap n nmn ng butas pero hindi pinakikinggan ang sarili.

Ginugutom ko ang sarili ko, ang pathetic lng.
Nalulungkot ako sa isang bagay na tapos na at hindi na magbabago.

You made me feel like I'm nothing.
For I am nothing but what I remember.

Lunes, Agosto 22, 2011

Kulam

Ang sakit ng ulo ko, kinukulam na ata ako eh.

Palagi na lng sumasakit ang ulo. Alam mo yung tipong binibiyak simula likod hanggang sa pagitan ng ilong.
Nung una naman hindi ko ito pinapansin, pero habang tumatagal palala na lng ng palala, umabot sa punto na nilagnat na lng ako at nanginginig ang buo kong katawan.

Naiiyak na rin ako sa mga panahong ito at pinupukpok ang aking ulo sa sakit. Naisip ko tuloy na siguro kinukulam ako.? Weh, hindi nga!  Naniniwala ako sa kulam. Anung masama kung naniniwla ako sa kulam?wla nmn sigurong mawawala sa akin, dba?

...

Huwebes, Agosto 11, 2011

Ang ganda ng mata mo, PATINGIN!!

Natawa naman ako.


August 10, 2011, and I was like doing my plate on one of my class when she came and discussed (of course to our side along with my girl classmate) some stuff while we were trying to capture the scenery using pen and ink. It is a little bit awkward (I'm still doing my thing though somebody's talking in front of me) so I took a single glance (hey! I do not want to show my "namamagang" eyes to everyone that day 'cause of an insect bite along side of my right eyebrow) to that somebody as a sign of respect and gesture of attention. And within a snap, she suddenly said, "Ang ganda ng mata mo, patingin!". What the.!? the seriousness(because of the plate stuff) and irritation(because of the insect bite thinggy) were finally gone. My only reaction it to smile and laugh like a child.


...


Errr./ I wore contact lenses everyday. You know? Thanks God, the "namamagang mata" effect was finally gone. :)

Biyernes, Agosto 5, 2011

natatanging hiling . . .

heto ako ngayon. Kumakain ng Junkfood na tira ko kagabi. Gumising ako ng 11 o'clock, naghilamos, sinampay ang nilabhan kahapon at nagfesbuk. Hay, notifications. Comments ng mga tao sa post ko kagbi. sa Aug. 26 birthday ko na nmn. Kaiba sa mga kaarawan kong lumipas.mag- 18 na ako. Ganap na dalaga. Tama, dalaga pero hindi na lumaki. Yung height ko ngayon ay yung height ko pa nung first yr, HS ako.! grabe kung yung mga ksabayan kong mga babae ay tumangkad, ako nmn ay napag-iwanan.

Napakahopeless ng blog na ito.Ngayon-ngayon lng nagsesearch ako ng bagay na makakapagpatangkad. May mga stretching activity, may limb lengthening, injection of growth hormones at kung anu anu pa. Hay, kung mayaman lng sana ako. Iniisip ko tuloy kung pwede kong isali sa blog making contest ni Rizal ang blog na ito tutal parehas nmn kmingg maliit at alam kong sa kabila ng mga natanggap niya ay mayroon pa rin syang insecurities patungkol sa sarili niya. Mananalo kya ako.? Magkakapera sana ako tapos magpapaa GH injection ako or limb lenghthening! ASA!

Seryosong kalungkutan ito na naiiyak ako. Nkadagdag pa ang pag-iisa na walang titigil na kahihiyan kung may magtatanong man kung bakit. Katamaran nga nmn ng pag-iisip ng dahilang kaiba sa kung anu ang totoo at ng dahilan na maiintidahan ng lahat kahit walang sapat na explanasyon.

Gusto kong tumangkad PERIOD. Kung meron nga lng gamot na kapag ininum ko na saktong pag-gising ko sa Aug. 26 e matangkad na ako. Hay, With God, nothing is Impossible. Naku nmn sinama ko pa ang may kapal sa kalungkutang nararamdaman ko.

Ayoko n nga.

Biyernes, Hulyo 8, 2011

Buhay Fine Arts

First Year - First Semester, namulat ako sa mundo ng Fine Arts dahil sa mga roommates ko na palaging may dalang 6B at 12 by 18 sketchpad. Wow, astig. Khit na madalas ko silang naririnig at nakikita na parng tinatamad na sila sa ginagawa nila, nkikita ko pa rin ito bilang isang masayang gawain. At dahil nga nkikita ko sila, sinabi ko sa sarili ko na khit kelan e hindi ako mag-kra-kram at aayusin ko lahat ng plate na gagawin ko.

From History nag-shift ako sa Fine Arts. Yess, maraming salamat sa former adviser kong si Mam Leah at ang current adviser ko na si Mam Grace. Actually, nung una natuwa ako. Naks pumasa ako ng TDT, ibigsabihin may talent ako. 

Isa ako sa mga taong hindi nagsasalita sa klase, kung magsalita nmn konti lng. Hindi ko lng trip ang magsalita, siguro dahil wala namn akong sasabihin lalo na at puro mga 'strangers' ang mga taong nakapalibot sa akin.

Naiinip na ako sa mga bandang dalawang linggo ng FA, panu ba nmn ksi wla pang plate at excited na ako magkaroon ng plate. Pero dumating din ang pagkakataon na binibigyan na kmi ng plate. Yung tipong kailangan kong gawin everyweekend ksi ayokong mag-kram.  Ako na tlga! At tuwing matatanggap na ang resulta, Pokerface, pero sa loob natutuwa.

nag-eenjoy nmn ako sa ginagawa ko. bukod sa araw-araw na nag-drodrowing eh (na madalas ko lng ginagawa sa mga readings ko last year) e palagi pang maaga pinapauwi. hahahah.

Gayunpaman, may isang bagay na labis kong kinakatakot.
'ang mawalan ng silbi ang kamay ko' 
Creepy.!


Mga iniisip ko bago ang lahat-lahat ng sermon kninang umaga


 Naiinis ako. Gusto ko siyang tanungin kung anu pa ang kulang sa ginawa ko. Wala man lang comment para malaman ko kung anu yung mali o kung ano pa ang dapat kong i-improve. Masyado siguro akong nag-expect sa kadahilanan na maraming natuwa sa ginawa ko. BV, mukhang hindi tlga siya magbibigay ng uno.

7:30 na akong nagising kninang umaga. Hasel! sobrang minadali ko ang aking "morning ceremony" araw-araw. Kung hindi ka pa man lang minamalas eh may nauna pa sa akin sa CR at sinabayan pa ng pagkalamig ng tubig na ininit ko. Hasel! Kasalanan ko din naman kaya OK lng na may kasamang hangover buhat ng panonood ng movie kagabi.

At dahil sadyang magaling ako. Hindi ako nalate.Yes! wla nmn na akong halos gagawin sa klase, kasi nga magaling ako dba?yung dapat ima-mash ko kinabukasan ay ginawa ko na sa gabi. Ganyan ako ka-excited at ang tanging ginawa ko na lng ay tumulong sa klasmeyt ko. Bait!

Habang nagmumukmok at walang maisip na gagawin patungkol sa "paper pulp" na ginagawa ko.  Dumating ang isang kaklase na may bitbit-bitbit na "plate". Waahhhh! ito na yung pinaka-aasam ko. Ang pinakahihintay ko. Ang crush kong plate! 

Syempre, dahil nga wlang lamang ideya ang utak ko sa mga oras na yun, hinanap ko na yung plate na yun. 
Hanap. Hanap. Hanap. Hanap. at Hanap pa. At last nakita ko na din. Unang tumambad ang compressed, hindi proportion at panget na bersyon ng portrait ni Johnny depp. Yesss. 1.5! at hinanap yung naunang bersyon...

Shoooooot! WaHHHHHH! gumuho ang aking mundo. Gusto ko talaga makakuha ng uno.
Nakakadepress. Alam kong hindi dapat ako madepress pero 'ggrrrr'. . . Blah! Namatay ako.

...

Siguro may mas gaganda pa dun. Yung tipong parang gawa ni Master!
Yung mukhang tao at habang tinitignan ay parang nahahawakan mo na rin.
Putcha! hindi ako si master para maging ganun kagaling. Sa tandang yun ni Master e halatang gumuguhit na siya buong buhay niya.

Siguro nga kailangan pa ng praktis, panung praktis nga ba ang gagawin ko? kung yung mga bagay lng na yun ang kaya kong gawin. Turuan niyo ako.

.

i-fell tower ko

So ito na yung una kong plate sa Materials 1 na pinaghirapan ko ng more than 8 hours ksi dalawang oras ang pagka-cut bawat sides pwera pa sa pag-pe-paint at pagdidikit..







uhmmm. :)))

Martes, Hulyo 5, 2011

Tumataginting na tres kay Mam Jhoan

Sa lahat ng mga naging teacher ko ngayong sem, hindi ko alam kung bakit pero paborito ko si Mam Jhoan. Siguro marahil kapangalan niya yung isang karakter sa isang fic na binabasa ko. Hayesss.! ang babaw ko nmn talaga, kapag inatake nga nmn ng kabaliwan oh. Gayunpaman, Astig si Mam Jhoan! Saludo kamo...

Tumataginting na tres. Unang plate pa lng namatay na ako. Kasimple-simple lng ng gagawin, pasang awa pa. Tawang-tawa ako na may kasamang panghihinayang.

Ganito kasi yung ginawa ko...

Kung hindi ka man lamang pinagsakluban ng langit at lupa, mali yung ginawa kong plate. Sa halip na may iisang light source yung bawat object e ginawa kong sama sama sila sa iisang light source. Kung tutuusin mas mahirap p nga yung ginawa ko. Hindi mo lng alam kung gaano kahirap mag-imagine ng apat na obejcts at hulaan kung saan tatama yung light source at saan pupuntang direksyon yung mga shadow ng bawat isa. Gayunpman, khit anu pa man ang ginawa ko. Isa itong malaking ekis.

Nung pumasok ako at nkita ang gawa ng karamihan. Wow, nkakainis nmn kaunaunahang plate ngayong sem epic fail kaagad. Dati nmn wla akong pakielam kung makakuha ako ng tres sa mga seatwork, homework, quiz, etc. pero ngayon natatawa at naiinis ako. Kung hindi ba nmn ako shoshonga shonga e gumawa ako ng sarili kong plate na may sariling pamantayan. Kaloka! Pinahirapan ko pa ang sarili ko sa halip na dapat sana eh madali lng yung gagawin ko. Kasalanan ko! ako na! iyan ang premyo ng batang hind nkikinig at lumulutang ang utak habng nagkaklase. Ayie may iniisip. Oo, iniisip ko yung iskolarship ko na dapat kong asikasuhin sa lalong madaling panahon, tinawagan pa ako nung coordinator. Ano ako paimportante??

Mkalipas ang ilang araw..
Natanggap ko na ang pinaaasam slash pinakananais itapon na plate.
Nsasabik akong malaman na tres ang grade na matatanggap ko. Buti na lng hindi singko.
Yung tlaga yung una kong naiisip sabay kausap sa sarili ko 'putik, dapat maka-uno ako next tym tpos hindi dapat ako makakados pababa'

Kung tatanungin niyo kung nasaan na yung plate 1 na yun, Hindi ko na alam, tinapon ko na kasi kinabukasan. Tahimik na siyang namamalagi sa basurahan ng lungsod ng Baguio. At kung magpapapasa ng portfolio 'na huwag nmn sana' ay BAHALA NA!

Simula nun, hindi na ako naktanggap ng tres o dos. Naks, inspirasyon, dapat lang ayoko na atang mamatay muli! At syempre paborito ko pa din si Mam Jhoan kahit na hindi ko pa nakakamit ang nagsusmiklab na uno. Ai grabe. Nagulat ako nang wla pa talagng kuha ng bagay na gusto kong mkuha. Well, mkukuha ko din yun, In His time with a smile :) Nakanang!!

Ang Pagsusulat ng Una kong Blog

Sa hindi ko mawaring kadahilanan ay gumawa ako ng blog, marahil siguro ay masyado na akong naiinip sa buhay ko. Wla na kasi akong ginawa kundi gumising sa umaga (alam na! kapag hindi nagising. Patay), pumasok sa paaralang kung saan may boses ang mga kabataan, paganahin ang utak at ang kamay, manuod ng pelikula at matulog. Nainip ka din noh?

So paano ko nga ba sisimulan ang una kong blog ever!!?? Nakanang! Kung hindi lng sana ako tamad magbutinting ng kung anu-anong sites sa worldwideweb eh di sana meron na akong more than 365 blog posts. Naks! gumaganon, ganito tlga kapag araw-araw may koneksyon (yabang).Mabalik nga tayo sa una kong tanong, ayoko nmn kasing magsimula sa once upon a time. Alam ko na, mag-she-share na lng ako nang nangyari sa akin ngayong araw...

5:15 AM nang gumising ako, saktong sakto sa pagkakaalarm ng celphone ko. Maaga kasi dapat akong gumising ngayon dahil mamamatay na ako. Pano ba nmn kasi, nakalimutan kong bumili ng Dyaryo para Techniques I ko. Kapag nagkataon, mamarkahan ako ng absent ni Mam Ceres na kaboses ni Maricar Reyes dahil lang sa wala akong dalang dyaryo. So dahil nga sa baguio ako nakatira, nag-init ako ng tubig ayokong maligo ng malamig na tubig lalo na at nasa malamig na lugar ako bka mas sukdulan pa sa pagkamatay ang mangyari sa akin. 6:50 na yata akong nkaligo nuon syempre marami pang seremonyang ginawa ang gaga. Kasama na dun ang pag-iglip, iglip, iglip at iglip pa.  Nung natapos na ang lahat lahat, lumabas ako ng boarding haus para maghagilip ng Dyaryo at "luckily" wala akong nakita, sarcastic teh! Nagpasya akong bumalik upang dalhin ko na yung gamit ko at yung plate kong "eiffel tower" na halos isang araw kong ginawa na may ksamang pamumula ng kamay at cuts sa fingers. Buti na nga lng at hindi umuulan, kundi sayang lng ang pinagpaguran ko at pinaghirapan ko. Nang mkarating sa sunshine park, nagpasya akong pumunta ng session rd. para bumili ng dyaryo, buti nga lang at ksama ko yung kaibigan na nagboluntaryo n siya na lng ang magdadala at maglalagay ng paper sculpture ko sa lamesa ko. Dali-dali akong sumakay ng taxi, para hindi malate at bumili ng dyaryo. Pagkabili ng pinakamamahal kong dyaryo, sibat agad pabalik ng UP. Sa wakas, nabuhay na akong muli!

Pagdating sa classroom, alam mo yung sulit yung pakiramdam n nagandahan yung mga klasmeyt mo sa gawa? nakakaoverwhelm, marining mo lng yung mga salitang 'thumbs up', 'halimaw' at higit sa lahat yung 'wow' naks, pumapalakpak n yung tenga ko sa tuwa..Ang saya!! khit hindi mkauno, alam kong maayos nmn yung maipapasa ko. Pero sino ba ang hindi nag-aasam ng uno?Apir tayo dyan!

PS. ipopost ko yung paper sculpture ko kapag may grade na.