heto ako ngayon. Kumakain ng Junkfood na tira ko kagabi. Gumising ako ng 11 o'clock, naghilamos, sinampay ang nilabhan kahapon at nagfesbuk. Hay, notifications. Comments ng mga tao sa post ko kagbi. sa Aug. 26 birthday ko na nmn. Kaiba sa mga kaarawan kong lumipas.mag- 18 na ako. Ganap na dalaga. Tama, dalaga pero hindi na lumaki. Yung height ko ngayon ay yung height ko pa nung first yr, HS ako.! grabe kung yung mga ksabayan kong mga babae ay tumangkad, ako nmn ay napag-iwanan.
Napakahopeless ng blog na ito.Ngayon-ngayon lng nagsesearch ako ng bagay na makakapagpatangkad. May mga stretching activity, may limb lengthening, injection of growth hormones at kung anu anu pa. Hay, kung mayaman lng sana ako. Iniisip ko tuloy kung pwede kong isali sa blog making contest ni Rizal ang blog na ito tutal parehas nmn kmingg maliit at alam kong sa kabila ng mga natanggap niya ay mayroon pa rin syang insecurities patungkol sa sarili niya. Mananalo kya ako.? Magkakapera sana ako tapos magpapaa GH injection ako or limb lenghthening! ASA!
Seryosong kalungkutan ito na naiiyak ako. Nkadagdag pa ang pag-iisa na walang titigil na kahihiyan kung may magtatanong man kung bakit. Katamaran nga nmn ng pag-iisip ng dahilang kaiba sa kung anu ang totoo at ng dahilan na maiintidahan ng lahat kahit walang sapat na explanasyon.
Gusto kong tumangkad PERIOD. Kung meron nga lng gamot na kapag ininum ko na saktong pag-gising ko sa Aug. 26 e matangkad na ako. Hay, With God, nothing is Impossible. Naku nmn sinama ko pa ang may kapal sa kalungkutang nararamdaman ko.
Ayoko n nga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento