Biyernes, Hulyo 8, 2011

Buhay Fine Arts

First Year - First Semester, namulat ako sa mundo ng Fine Arts dahil sa mga roommates ko na palaging may dalang 6B at 12 by 18 sketchpad. Wow, astig. Khit na madalas ko silang naririnig at nakikita na parng tinatamad na sila sa ginagawa nila, nkikita ko pa rin ito bilang isang masayang gawain. At dahil nga nkikita ko sila, sinabi ko sa sarili ko na khit kelan e hindi ako mag-kra-kram at aayusin ko lahat ng plate na gagawin ko.

From History nag-shift ako sa Fine Arts. Yess, maraming salamat sa former adviser kong si Mam Leah at ang current adviser ko na si Mam Grace. Actually, nung una natuwa ako. Naks pumasa ako ng TDT, ibigsabihin may talent ako. 

Isa ako sa mga taong hindi nagsasalita sa klase, kung magsalita nmn konti lng. Hindi ko lng trip ang magsalita, siguro dahil wala namn akong sasabihin lalo na at puro mga 'strangers' ang mga taong nakapalibot sa akin.

Naiinip na ako sa mga bandang dalawang linggo ng FA, panu ba nmn ksi wla pang plate at excited na ako magkaroon ng plate. Pero dumating din ang pagkakataon na binibigyan na kmi ng plate. Yung tipong kailangan kong gawin everyweekend ksi ayokong mag-kram.  Ako na tlga! At tuwing matatanggap na ang resulta, Pokerface, pero sa loob natutuwa.

nag-eenjoy nmn ako sa ginagawa ko. bukod sa araw-araw na nag-drodrowing eh (na madalas ko lng ginagawa sa mga readings ko last year) e palagi pang maaga pinapauwi. hahahah.

Gayunpaman, may isang bagay na labis kong kinakatakot.
'ang mawalan ng silbi ang kamay ko' 
Creepy.!


Mga iniisip ko bago ang lahat-lahat ng sermon kninang umaga


 Naiinis ako. Gusto ko siyang tanungin kung anu pa ang kulang sa ginawa ko. Wala man lang comment para malaman ko kung anu yung mali o kung ano pa ang dapat kong i-improve. Masyado siguro akong nag-expect sa kadahilanan na maraming natuwa sa ginawa ko. BV, mukhang hindi tlga siya magbibigay ng uno.

7:30 na akong nagising kninang umaga. Hasel! sobrang minadali ko ang aking "morning ceremony" araw-araw. Kung hindi ka pa man lang minamalas eh may nauna pa sa akin sa CR at sinabayan pa ng pagkalamig ng tubig na ininit ko. Hasel! Kasalanan ko din naman kaya OK lng na may kasamang hangover buhat ng panonood ng movie kagabi.

At dahil sadyang magaling ako. Hindi ako nalate.Yes! wla nmn na akong halos gagawin sa klase, kasi nga magaling ako dba?yung dapat ima-mash ko kinabukasan ay ginawa ko na sa gabi. Ganyan ako ka-excited at ang tanging ginawa ko na lng ay tumulong sa klasmeyt ko. Bait!

Habang nagmumukmok at walang maisip na gagawin patungkol sa "paper pulp" na ginagawa ko.  Dumating ang isang kaklase na may bitbit-bitbit na "plate". Waahhhh! ito na yung pinaka-aasam ko. Ang pinakahihintay ko. Ang crush kong plate! 

Syempre, dahil nga wlang lamang ideya ang utak ko sa mga oras na yun, hinanap ko na yung plate na yun. 
Hanap. Hanap. Hanap. Hanap. at Hanap pa. At last nakita ko na din. Unang tumambad ang compressed, hindi proportion at panget na bersyon ng portrait ni Johnny depp. Yesss. 1.5! at hinanap yung naunang bersyon...

Shoooooot! WaHHHHHH! gumuho ang aking mundo. Gusto ko talaga makakuha ng uno.
Nakakadepress. Alam kong hindi dapat ako madepress pero 'ggrrrr'. . . Blah! Namatay ako.

...

Siguro may mas gaganda pa dun. Yung tipong parang gawa ni Master!
Yung mukhang tao at habang tinitignan ay parang nahahawakan mo na rin.
Putcha! hindi ako si master para maging ganun kagaling. Sa tandang yun ni Master e halatang gumuguhit na siya buong buhay niya.

Siguro nga kailangan pa ng praktis, panung praktis nga ba ang gagawin ko? kung yung mga bagay lng na yun ang kaya kong gawin. Turuan niyo ako.

.

i-fell tower ko

So ito na yung una kong plate sa Materials 1 na pinaghirapan ko ng more than 8 hours ksi dalawang oras ang pagka-cut bawat sides pwera pa sa pag-pe-paint at pagdidikit..







uhmmm. :)))

Martes, Hulyo 5, 2011

Tumataginting na tres kay Mam Jhoan

Sa lahat ng mga naging teacher ko ngayong sem, hindi ko alam kung bakit pero paborito ko si Mam Jhoan. Siguro marahil kapangalan niya yung isang karakter sa isang fic na binabasa ko. Hayesss.! ang babaw ko nmn talaga, kapag inatake nga nmn ng kabaliwan oh. Gayunpaman, Astig si Mam Jhoan! Saludo kamo...

Tumataginting na tres. Unang plate pa lng namatay na ako. Kasimple-simple lng ng gagawin, pasang awa pa. Tawang-tawa ako na may kasamang panghihinayang.

Ganito kasi yung ginawa ko...

Kung hindi ka man lamang pinagsakluban ng langit at lupa, mali yung ginawa kong plate. Sa halip na may iisang light source yung bawat object e ginawa kong sama sama sila sa iisang light source. Kung tutuusin mas mahirap p nga yung ginawa ko. Hindi mo lng alam kung gaano kahirap mag-imagine ng apat na obejcts at hulaan kung saan tatama yung light source at saan pupuntang direksyon yung mga shadow ng bawat isa. Gayunpman, khit anu pa man ang ginawa ko. Isa itong malaking ekis.

Nung pumasok ako at nkita ang gawa ng karamihan. Wow, nkakainis nmn kaunaunahang plate ngayong sem epic fail kaagad. Dati nmn wla akong pakielam kung makakuha ako ng tres sa mga seatwork, homework, quiz, etc. pero ngayon natatawa at naiinis ako. Kung hindi ba nmn ako shoshonga shonga e gumawa ako ng sarili kong plate na may sariling pamantayan. Kaloka! Pinahirapan ko pa ang sarili ko sa halip na dapat sana eh madali lng yung gagawin ko. Kasalanan ko! ako na! iyan ang premyo ng batang hind nkikinig at lumulutang ang utak habng nagkaklase. Ayie may iniisip. Oo, iniisip ko yung iskolarship ko na dapat kong asikasuhin sa lalong madaling panahon, tinawagan pa ako nung coordinator. Ano ako paimportante??

Mkalipas ang ilang araw..
Natanggap ko na ang pinaaasam slash pinakananais itapon na plate.
Nsasabik akong malaman na tres ang grade na matatanggap ko. Buti na lng hindi singko.
Yung tlaga yung una kong naiisip sabay kausap sa sarili ko 'putik, dapat maka-uno ako next tym tpos hindi dapat ako makakados pababa'

Kung tatanungin niyo kung nasaan na yung plate 1 na yun, Hindi ko na alam, tinapon ko na kasi kinabukasan. Tahimik na siyang namamalagi sa basurahan ng lungsod ng Baguio. At kung magpapapasa ng portfolio 'na huwag nmn sana' ay BAHALA NA!

Simula nun, hindi na ako naktanggap ng tres o dos. Naks, inspirasyon, dapat lang ayoko na atang mamatay muli! At syempre paborito ko pa din si Mam Jhoan kahit na hindi ko pa nakakamit ang nagsusmiklab na uno. Ai grabe. Nagulat ako nang wla pa talagng kuha ng bagay na gusto kong mkuha. Well, mkukuha ko din yun, In His time with a smile :) Nakanang!!

Ang Pagsusulat ng Una kong Blog

Sa hindi ko mawaring kadahilanan ay gumawa ako ng blog, marahil siguro ay masyado na akong naiinip sa buhay ko. Wla na kasi akong ginawa kundi gumising sa umaga (alam na! kapag hindi nagising. Patay), pumasok sa paaralang kung saan may boses ang mga kabataan, paganahin ang utak at ang kamay, manuod ng pelikula at matulog. Nainip ka din noh?

So paano ko nga ba sisimulan ang una kong blog ever!!?? Nakanang! Kung hindi lng sana ako tamad magbutinting ng kung anu-anong sites sa worldwideweb eh di sana meron na akong more than 365 blog posts. Naks! gumaganon, ganito tlga kapag araw-araw may koneksyon (yabang).Mabalik nga tayo sa una kong tanong, ayoko nmn kasing magsimula sa once upon a time. Alam ko na, mag-she-share na lng ako nang nangyari sa akin ngayong araw...

5:15 AM nang gumising ako, saktong sakto sa pagkakaalarm ng celphone ko. Maaga kasi dapat akong gumising ngayon dahil mamamatay na ako. Pano ba nmn kasi, nakalimutan kong bumili ng Dyaryo para Techniques I ko. Kapag nagkataon, mamarkahan ako ng absent ni Mam Ceres na kaboses ni Maricar Reyes dahil lang sa wala akong dalang dyaryo. So dahil nga sa baguio ako nakatira, nag-init ako ng tubig ayokong maligo ng malamig na tubig lalo na at nasa malamig na lugar ako bka mas sukdulan pa sa pagkamatay ang mangyari sa akin. 6:50 na yata akong nkaligo nuon syempre marami pang seremonyang ginawa ang gaga. Kasama na dun ang pag-iglip, iglip, iglip at iglip pa.  Nung natapos na ang lahat lahat, lumabas ako ng boarding haus para maghagilip ng Dyaryo at "luckily" wala akong nakita, sarcastic teh! Nagpasya akong bumalik upang dalhin ko na yung gamit ko at yung plate kong "eiffel tower" na halos isang araw kong ginawa na may ksamang pamumula ng kamay at cuts sa fingers. Buti na nga lng at hindi umuulan, kundi sayang lng ang pinagpaguran ko at pinaghirapan ko. Nang mkarating sa sunshine park, nagpasya akong pumunta ng session rd. para bumili ng dyaryo, buti nga lang at ksama ko yung kaibigan na nagboluntaryo n siya na lng ang magdadala at maglalagay ng paper sculpture ko sa lamesa ko. Dali-dali akong sumakay ng taxi, para hindi malate at bumili ng dyaryo. Pagkabili ng pinakamamahal kong dyaryo, sibat agad pabalik ng UP. Sa wakas, nabuhay na akong muli!

Pagdating sa classroom, alam mo yung sulit yung pakiramdam n nagandahan yung mga klasmeyt mo sa gawa? nakakaoverwhelm, marining mo lng yung mga salitang 'thumbs up', 'halimaw' at higit sa lahat yung 'wow' naks, pumapalakpak n yung tenga ko sa tuwa..Ang saya!! khit hindi mkauno, alam kong maayos nmn yung maipapasa ko. Pero sino ba ang hindi nag-aasam ng uno?Apir tayo dyan!

PS. ipopost ko yung paper sculpture ko kapag may grade na.