Sa lahat ng mga naging teacher ko ngayong sem, hindi ko alam kung bakit pero paborito ko si Mam Jhoan. Siguro marahil kapangalan niya yung isang karakter sa isang fic na binabasa ko. Hayesss.! ang babaw ko nmn talaga, kapag inatake nga nmn ng kabaliwan oh. Gayunpaman, Astig si Mam Jhoan! Saludo kamo...
Tumataginting na tres. Unang plate pa lng namatay na ako. Kasimple-simple lng ng gagawin, pasang awa pa. Tawang-tawa ako na may kasamang panghihinayang.
Ganito kasi yung ginawa ko...
Kung hindi ka man lamang pinagsakluban ng langit at lupa, mali yung ginawa kong plate. Sa halip na may iisang light source yung bawat object e ginawa kong sama sama sila sa iisang light source. Kung tutuusin mas mahirap p nga yung ginawa ko. Hindi mo lng alam kung gaano kahirap mag-imagine ng apat na obejcts at hulaan kung saan tatama yung light source at saan pupuntang direksyon yung mga shadow ng bawat isa. Gayunpman, khit anu pa man ang ginawa ko. Isa itong malaking ekis.
Nung pumasok ako at nkita ang gawa ng karamihan. Wow, nkakainis nmn kaunaunahang plate ngayong sem epic fail kaagad. Dati nmn wla akong pakielam kung makakuha ako ng tres sa mga seatwork, homework, quiz, etc. pero ngayon natatawa at naiinis ako. Kung hindi ba nmn ako shoshonga shonga e gumawa ako ng sarili kong plate na may sariling pamantayan. Kaloka! Pinahirapan ko pa ang sarili ko sa halip na dapat sana eh madali lng yung gagawin ko. Kasalanan ko! ako na! iyan ang premyo ng batang hind nkikinig at lumulutang ang utak habng nagkaklase. Ayie may iniisip. Oo, iniisip ko yung iskolarship ko na dapat kong asikasuhin sa lalong madaling panahon, tinawagan pa ako nung coordinator. Ano ako paimportante??
Mkalipas ang ilang araw..
Natanggap ko na ang pinaaasam slash pinakananais itapon na plate.
Nsasabik akong malaman na tres ang grade na matatanggap ko. Buti na lng hindi singko.
Yung tlaga yung una kong naiisip sabay kausap sa sarili ko 'putik, dapat maka-uno ako next tym tpos hindi dapat ako makakados pababa'
Kung tatanungin niyo kung nasaan na yung plate 1 na yun, Hindi ko na alam, tinapon ko na kasi kinabukasan. Tahimik na siyang namamalagi sa basurahan ng lungsod ng Baguio. At kung magpapapasa ng portfolio 'na huwag nmn sana' ay BAHALA NA!
Simula nun, hindi na ako naktanggap ng tres o dos. Naks, inspirasyon, dapat lang ayoko na atang mamatay muli! At syempre paborito ko pa din si Mam Jhoan kahit na hindi ko pa nakakamit ang nagsusmiklab na uno. Ai grabe. Nagulat ako nang wla pa talagng kuha ng bagay na gusto kong mkuha. Well, mkukuha ko din yun, In His time with a smile :) Nakanang!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento