Martes, Hulyo 5, 2011

Ang Pagsusulat ng Una kong Blog

Sa hindi ko mawaring kadahilanan ay gumawa ako ng blog, marahil siguro ay masyado na akong naiinip sa buhay ko. Wla na kasi akong ginawa kundi gumising sa umaga (alam na! kapag hindi nagising. Patay), pumasok sa paaralang kung saan may boses ang mga kabataan, paganahin ang utak at ang kamay, manuod ng pelikula at matulog. Nainip ka din noh?

So paano ko nga ba sisimulan ang una kong blog ever!!?? Nakanang! Kung hindi lng sana ako tamad magbutinting ng kung anu-anong sites sa worldwideweb eh di sana meron na akong more than 365 blog posts. Naks! gumaganon, ganito tlga kapag araw-araw may koneksyon (yabang).Mabalik nga tayo sa una kong tanong, ayoko nmn kasing magsimula sa once upon a time. Alam ko na, mag-she-share na lng ako nang nangyari sa akin ngayong araw...

5:15 AM nang gumising ako, saktong sakto sa pagkakaalarm ng celphone ko. Maaga kasi dapat akong gumising ngayon dahil mamamatay na ako. Pano ba nmn kasi, nakalimutan kong bumili ng Dyaryo para Techniques I ko. Kapag nagkataon, mamarkahan ako ng absent ni Mam Ceres na kaboses ni Maricar Reyes dahil lang sa wala akong dalang dyaryo. So dahil nga sa baguio ako nakatira, nag-init ako ng tubig ayokong maligo ng malamig na tubig lalo na at nasa malamig na lugar ako bka mas sukdulan pa sa pagkamatay ang mangyari sa akin. 6:50 na yata akong nkaligo nuon syempre marami pang seremonyang ginawa ang gaga. Kasama na dun ang pag-iglip, iglip, iglip at iglip pa.  Nung natapos na ang lahat lahat, lumabas ako ng boarding haus para maghagilip ng Dyaryo at "luckily" wala akong nakita, sarcastic teh! Nagpasya akong bumalik upang dalhin ko na yung gamit ko at yung plate kong "eiffel tower" na halos isang araw kong ginawa na may ksamang pamumula ng kamay at cuts sa fingers. Buti na nga lng at hindi umuulan, kundi sayang lng ang pinagpaguran ko at pinaghirapan ko. Nang mkarating sa sunshine park, nagpasya akong pumunta ng session rd. para bumili ng dyaryo, buti nga lang at ksama ko yung kaibigan na nagboluntaryo n siya na lng ang magdadala at maglalagay ng paper sculpture ko sa lamesa ko. Dali-dali akong sumakay ng taxi, para hindi malate at bumili ng dyaryo. Pagkabili ng pinakamamahal kong dyaryo, sibat agad pabalik ng UP. Sa wakas, nabuhay na akong muli!

Pagdating sa classroom, alam mo yung sulit yung pakiramdam n nagandahan yung mga klasmeyt mo sa gawa? nakakaoverwhelm, marining mo lng yung mga salitang 'thumbs up', 'halimaw' at higit sa lahat yung 'wow' naks, pumapalakpak n yung tenga ko sa tuwa..Ang saya!! khit hindi mkauno, alam kong maayos nmn yung maipapasa ko. Pero sino ba ang hindi nag-aasam ng uno?Apir tayo dyan!

PS. ipopost ko yung paper sculpture ko kapag may grade na.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento