Martes, Oktubre 4, 2011

I know I will have to return to the world of the sun

Wala ako sa mood ngayong araw. Naiinis ako kapag mababa yung plate ko.
Lalo na kung alam kong hindi nmn dapat kasi pinaghirapan ko yun.
Sabi nila, hindi nmn daw tlga mababa. Siguro nga hindi, pero sa akin oo.
Lalo na kung yung ini-expect mo e yung pinakamataas.
Ambisyosang bata!.
Tinatamad akong lumabas.Tinatamad akong gawin ang lahat ng bagay na dapat kong gawin.

Ang mababang plate na yun ang nagpaikot ng mundo ko ngayong araw hangga't ewan ko.
Gusto ko ng ksama ngayong araw upang magpakasaya at tanggalin itong depression na ito pero wala.
Alam ko sa sarili kong pinanganak akong mag-isa, mag-isa din dapat ako dito.
Mag-isa akong makakaramdam ng ksiyahan at kalungkutan.
Mag-isa sa lahat.Emong Bata!

Naghahanap ako ng butas para tanggapin ang lahat,
pero sadyang hindi siya pinapakinggan ng utak ko.
Utak ko ang nadidikta nito.
Sira ulong bata na ako ngayon.! Akalain mo yun.

Minsan iniisip ko na hindi ako magaling.
Hindi nmn siguro tlga, lahat ng rejection na alam ko sa sarili ko nagawa ko.
Kung maganda bkit ganun lng?
Naghahanap n nmn ng butas pero hindi pinakikinggan ang sarili.

Ginugutom ko ang sarili ko, ang pathetic lng.
Nalulungkot ako sa isang bagay na tapos na at hindi na magbabago.

You made me feel like I'm nothing.
For I am nothing but what I remember.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento