Sabado, Hunyo 2, 2012

Teach Me How to Dougie




Bata pa lng ako mahilig na akong pumunta sa may bakuran nmin at magpaikot-ikot nang mabilis na mabilis hanggang sa bumagsak sa pinagkakatayuan ko dahil sa hilo. Pero kahit ganun ang nangyayari sa akin, na kahit ang dumi-dumi na nga mga damit ko dahil sa patuloy na pagbagsak sa lupa.




Hindi pa rin ako humihinto.





Patuloy pa rin ako sa pag-ikot hangga’t kaya ko. Na khit huminto man ako dahil sa pagod, sa hilo, o kahit sa mga galos.




Sisiguraduhin ko bukas o sa mkalawa magpapatuloy pa rin ako sa pag-ikot ko.








Mas mabilis.




Mas matagal.




Mas Masaya.








Siguro nga tama sila, ganun nga din siguro ang pag-ibig.









Kahit ilang beses kang mahulog,





Kahit ilang beses kang masaktan,





Kahit ilang beses kang masugatan.













Ipagpapatuloy at ipagpapatuloy mo pa rin.











Magmamahal at magmamahal ka ulit.











Dahil alam mong doon ka Masaya.





....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento