So, Diliman it is.
For the record, hindi ako nagsisisi na nag-exam ako. Tulad nga ng sinabi ko, it's for my soul. Gusto kong mapatunayan sa sarili ko na magaling ako. And I wasn't wrong, I've passed the exam, rank 5 out of 75 passers.
Darn.
Though, I don't really want to study there.
Aaminin ko, nung una. Ayokong mag-aral sa Baguio, hindi naman ksi ako sure. Para sa isang batang babaeng lumaking dumedepende sa kanyang mga magulang, mahirap mag-isa.
Grabe, dalawang linggo din akong nag-iiiyak nun pero nasanay na din ako.
Hanggang sa, nkaramdam ako ng kalayaan.
Ang saya pala, iba yung kung anung pamumuhay meron ako dun at dito.
malaya.
Don't get me wrong, hindi namn sa ayokong mag-aral sa Diliman. Hello, lahat nmn ng tao gustong mag-aral dun eh pero ako...
Ayoko na kasi sa bahay nmin.
Wla kasi yung kalayaan at kapayapaang meron ako sa Baguio.
Ang sama ko.
Pkiramdam ko ksi sa bahay namin ay isang masikip na kahon na mahirap huminga.
limitado ang galaw, na kahit yung mismong tutulugan ko ay proproblemahin ko din.
Mahirap lumabas, mahirap sabihin yung mga nararamdaman mo.
May nakabibinging ingay na nagmumula sa halos araw-araw na bangayan ng tatay at nanay mo.
May nakabibinging ulyawan sa pagitan ng mga kapatid mo sa pagtuturuan kung sino man ang magbabantay ng tindahan.
ang sakit sa tenga.
ang sama ko lng.
ang sama ko sigurong bata.
inaamin ko nmn yun eh.
pero gusto ko lng mailabas yung nararamdaman ko.
blog ko kya ito.
selfish na kung selfish.
pero masisisi ko ba ang sarili na nang matikman ko ang sarap, ayaw ko ng pakawalan pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento