Akala ko nung una matapang na ako, na kahit patamaan p ako ng kahit anung problema diyan wla akong pakielam. Basta magiging masaya lang ako at titigilan ang pagbibigay ng panahon sa mga bagay na nagpapalungkot sa akin.
Pero hindi pala, yung inaakala kong ako ngayon ay walang pinagbago sa kung ano ako dati.
Nalulungkot ako.
Hindi dahil sa maling size ng canvas ang nabili ko ngayong araw at wala na akong perang pambili ng panibago,. Hindi dahil sa marshmallows, hany, presto at isang mamon lng ang hapunan ko ngayon. Hindi dahil sa hindi ko magagawa yung full sculpture ng isang plate at mukhang magiging relief lng ang gagawin ko.
Kundi dahil sa yung bagay na inaakala kong 'okay na' ay hindi pala.
'Hindi ko nga nalaman na nagshift pala yan e', sabi ng tatay ko.
Ang sakit lang, hindi ko mapigilan yung pagtulo ng mga luha sa mata ko. Akala ko kasi 'okay na', yung tipong 'okay lang'. Hindi ko tuloy alam kung tama yung desisyon kong nag-shift ako. Akala ko nga kasi 'okay lng'!.
Bago pa nga nun, yung mga oras na ipapaalam ko pa lng sa mama ko yung balak ko eh naiiyak na ako kasi alam ko na yung magiging reaksyon nila. Pero alam ko na kung hindi ko gagawin ito, at hindi ko susubukan habang buhay ko yung pagsisihan.
Habang buhay ko yun dadalhin dito sa kalooblooban ko.
Sinubukan ko, sinabi ko sa nanay ko at nalaman nung tatay ko. Laking gulat ko sa naging reaksyon nila,
'bahala ka ikaw naman mag-aaral, magastos daw yan pero kaya namn'. Natutuwa ako. Yung ini-imagine kong magiging reaksyon niya, na mgagalit at gigisahin ako sa mga tanung eh kabaligtaran ng inaasahan ko. Punung puno ng suporta, na nagbigay ng lakas ng loob sa akin at magpursigi sa gusto kong gawin.
Pero yung mali pala ako ng inaakala, yung naramdaman kong suporta ay hindi pala totoo.
Ang sakit lang.
Hindi ko pa ba napapakita na tama yung naging desisyon ko?
Hindi ba sapat na nagpupursigi at laging hinahangad ang mataas sa bawat bagay na ginagawa ko?
Hindi ba sapat na halos hindi na ako kumain at matulog dahil gusto kong matapos at mapagnda lalo lahat ng ginagawa ko?
Hindi ba sapat na ngayon, nagagalit ako sa sarili ko sa iisang pagkakataon na makatanggap ako ng dos sa iisang plate na parang dati kapag nakakuha ako ng dos sa isang exam parang wla lng?
Hindi ko pa ba napapatunayan ang sarili ko?
Ang sakit lang.
Ang sakit sakit lang na parang unti-unting pinapatay yung kaluluwa ko.
Siguro nga hindi n lng dapat ako nag-shift. Hindi ko na lang dapat sinubukan.
Hindi ko na lang dapat ginawa yun, nang hindi na ako nasasaktan ng ganito.
Nalulungkot ako. Ang sakit sakit kasi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento