Sabado, Hunyo 2, 2012

Listahan ng Mga Dapat Gawin

Ksi masyado akong inspired sa mga taong gumawa ng listahan. Tulad ng "Helena's Promise", "Break The Casanova's Heart Operation", at marami png iba. Gumawa ako ng sarili kong listahan. Don't get me wrong, hindi pa nmn ako mamamatay, gusto ko lng makaramdam ng sense of fulfillment.


Gusto ko maging masaya.





Yung mga nilista ko ay sinigurado kong mahihirapan ang matupad. Siyempre!



 1. Makita sa Michelle Pfeiffer


So una pa langg, hindi ko talaga alam kung papaano ko iyan gagawin pero ako ay isang masugid niyang tga-hanga. Kahit ang tanda-tanda niya na, para sa akin siya pa rin ang pinakamagandang babae sa mundo. At walang papantay sa kanya sa pagiging Catwoman.


2. Makatapak sa Eiffel Tower


Pangarap ko tlagang makapunta sa Paris bata pa lng ako. Bukod sa pagiging Fashion capital ng mundo, ang France ay isang Historical site. Doon namalagi ang pinaktatanging Hari at Reyna ng bawat panahon, doon namuno si Napoleon Bonaparte at nanduon si Amelie . Pinamumugaran din ito nang natatanging koleksyon ng sining na gustung-gustong masilayan ng aking mga mata.



3. Mag-audition sa American Idol


Okay. Unang-una sa lahat, hindi ako American Citizen at hindi ko alam kung papaano ko ito gagawin pero sana magawa ko ito hangga't may American Idol pa, para na rin makita ko si JLO at makapagpa-autograph sa kanya. Alam ko nmn marunong akong kumanta pero hindi ganun kagandahan ang boses ko pero basta. WHO CARES!?


4. Magturo sa UP Baguio


Syempre, doon ako nanggaling. Doon ako natuto, doon ako nagsimula. Marapat man lamang na ibalik ko ang sa knila at bigayan ng kahit ng konting serbisyo bilang pasasalamat na din. Gusto kong maging kasangkapan upang humasa ng mga bagong henerasyon ng mga alagad ng sining.


5. I-gala ang aking ina, kahit isang beses sa isang taon


Unang-una sa lahat, Mahal ko ang nanay ko higit pa sa nararamdaman niya. Utang ko sa knya ang lahat at kung mayroong bagay na masaya kaming ginagawa nang magkasama, yung ang gumala till the end of the world. Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nakakapunta sa iba't ibang lugar. Kaya heto, kapag kumita ako ata nagkatrabaho, kahit man lang isang beses sa isang taon, gagala kami sakay ng eroplano, bangka, barko, bus, kotse, tricycle at jeep.



6. Bunjee Jumping?


Ito yung bagay na bata pa lang ako ay nangako akong hinding-hindi ko gagawin. Natatakot kasi ako, pero ngayon nagdesisyon akong ilagay ito sa listahan. Gusto kong gawin ito para maiba nmn. Gustong alisin ang takot at mag-let go sa kung anumang bumabagabag sa isipan ko. Gusto kong gawin ito at isagaw sa "HINDI AKO NATATAKOT!"



7. Makapag-publish na isang book


This will take a lot of courage to happen.


8. Bodypaint.


Gusto kong gumawa ng bagay na my halong konting kabaliwan. Bilang isang artist, gusto kong subukan ito at gusto kong gawin ito nang walang damit. chos, pang itaas lng.



9. Mag drive papuntang Baguio


Hindi ako marunong magmaneho at alam ko na balang-araw, matututo ako kasi gusto kong mag-drive papauntang Baguio gamit ang aking sariling sasakyan.


10. Maging isang mabuting nanay


:) Smile








And with God on my side, I'll do everything to do make all of this to happen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento