Linggo, Agosto 26, 2012

Not My Goddamn Business


 I know it's not my goddamn business  but who cares, it's my blog anyway. Pasensya nga pla sa mga mtatamaan if ever may nakabasa. And sorry din sa taong may-ari ng post na ito, alam mong hindi maganda ang ginawa mo at hindi na dapat itong ipagmayabang at i-post pa sa facebook lalung-lalo na kung maraming makakakita at makakabasa...


First thing, SK means Sanggunian ng Kabataan. Those people who had been elected by the people are expected to be leaders and be responsible enough for everything not only for themselves but also for everyone.



Nung una, nung malaman ko na mayroong mga tao na gustong i-abolish ang SK (council) ang unang pumasok sa isip ko ay 'bakit?'.


Being one of the youth made me ask my self, 'bakit nila gagawin yun?'. Para sa akin ang SK ay nakakatulong upang magkaroon ng representante ang mga kabataan sa gobyerno at iparating ang kanilang mga saloobin sa mga nakakataas sa ibang perspektibo na malayo sa pananaw ng mga nakakatanda...



Pero as time goes by, nag-iiba ang pagtingin ko.


Hindi naman ako tumanda(I am still one of them) pero mas namulat lang ako sa katotohanan.


Hindi rin naman ako naiinggit sa kanila, at hindi rin ako isa sa mga 'hilaw ang utak'.


Nakalulungkot lang isipin na ang mali ay nagiging tama kapag pumapasok na ang kapangyarihan.




Ang mga batang naluluklok dito ay natututong gumawa ng hindi mgandang mga bagay.


Base sa aking naririnig at nalaman, ang mga sumusunod na pangungusap ay pawang mga katotohanan lamang. Hindi na sila sumusunod sa batas, at ginagamit ang kapangyarihan upang makalamang sa iba (katulad nga ng post duon sa itaas. Ang iba ay mga naging sakim sa pera at kumuha ng budget pan-debut sa pondo ng bayan, nakakaungkot pero totoo. Ang mga seminars na ginaganap sa iba't ibang lugar ay nagiging family outing, buti sana ay kung nkikinig sila sa mismong lectures ngunit karamihan sa kanila ay mas pinipiling mamalagi sa kanilang silid o di kaya ay naunang ng mamasyal. Maliban sa mismong perang kinakaltas/kinukuha/ninanakaw ng mga magulang nilabilang 'parte', ang mga batang ito ay kumukuha din ng para sa kanila (kupit system).




Yeah, I know na nagpapakapagod din naman kayo pero ang paggawa ng katiwalian ay hindi mabuti at hindi sapat upang gumawa ng masama lalung-lalo na kung ito ay para sa pansariling pagnanais o kabutihan. Mas magandang tumulong at maangkin ang 'honor' o ang sinasabing mataas na pagtingin ng tao nang malinis ang kaluluwa, ito mas katanggap tanggap at mas masasabing iyong pinaghirapan.



Nakakalunkot lang malaman na ang mga taong binoto ko ang siyang gumagawa ng mga ito.



Hindi ako nagmamalinis, nakikita ko din kasi ang aking mga magulang na gumagamit ng ID nila sa tuwing nahuhuli ng pulis. nakakahiya lang at wala akong magawa. Alam kong ang nakikita ang aking mga mata ay mali at hindi ko dapat gayahin.





At ngayon, dahil alam ko na may magagawa na ako at may masasabi. Kahit na mapagalitan at masabihan na 'sumasagot ng pabalang', sinasabi ko pa dn sa kanila na dapat sumusunod sa batas kasi nakakahiya.






Tandaan: "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." , ika nga ni Rizal.  Oo alam kong nakakarindi at pauli-ulit na lamang ngunit kelan ba ito tatak sa ating isipan, kung ang pagkatuto ay hindi pagkalimot.





Nasayang lamang ang boto ko, at titiyakin ko na sa susunod ay hindi na ulit ako magkakamali.













Walang komento:

Mag-post ng isang Komento